06 September 2009 (Sunday)
At or About 2:00 AM
Nagising ako sa malakas na kalabog na nagmumula sa ilalim ng barko na kasabay ang biglang pagtagilid ng barko. Bigla akong tumayo at napasilip sa ibang kuwarto. Nagkakagulo na sila sa pagsuot ng life vest kayat sumigaw na sa aking mga kasamahan na buksan ang cabinet ng lifevest. Dali-dali naming kinuha ang mga lifevests at isinuot. “Takbo kayo palabas ng kuwarto! Dali… lahat tayo… labas… labas!” Makipot ang pintuan ng exit pero nakalabas kaming lahat papunta sa itaas ng barko. Marami-rami na rin ang mga tao sa itaas ng datnan namin. May ilaw pa ang barko ng makalabas kami at tumutunog pa ang left engine nito. Pinakakapit ang lahat sa lubid para hindi madulas at mahulog. Dinig ko ang iyakan, hiyawan at sigawan ng mga pasahero. Busy ang mga ship crew sa microphone sa pagpapaalala sa lahat na kumapit ng maigi sa gilid ng barko. Ito ay upang ibalanse ang barko para hindi agad-agad tumaob. Habang ang ibang crew ng barko ay abala sa pag-assist sa mga pasahero. Tahimik ang karamihan, may ibang nagkalakas loob na tumawag o nakapagtext pa. suwerte nga lang at may signal ng cellphone sa bahaging iyon ng dagat. Isang babaeng pasahero ang nagmura, sinaway ko siya ng pasigaw. “Pangadye!” sigaw ko. “Pag-ampo mo”. Tumahimik ang nagmumurang babae. Mahigpit ang hawak ko sa railings dahil sinusuportahan ko pa ang lima katao na kumapit sa binti, braso at paa ko. Napakahirap ng kalagayan namin. Buti na lang isang ship crew ang nagsabing ireserba ang lakas sa susunod na mga pangyayari. Nirelax ko ang pagkakahawak sa railings at pinaupo ko ang iba para makaipon ako ng lakas. Nagtanong ako ng oras sa isang lalaki na nagturan na wala pang alas 3 ng umaga. Ilang sandali pa ay namatay ang ilaw ng barko. Dinig ko pa rin ang hiyawan at iyakan ng mga pasahero. Madilim ang langit at ang dagat, napakadilim! Maya-maya ay nagpaputok na ng flare sa langit para makahingi kami ng tulong sa mga nagdaraang barko. Nagliwanag ang langit sa bawat paglipad ng flare nakakadagdag ng pag-asa. Taimtim ang aking pagdarasal sa mga oras na iyon na sanay abutin pa namin ang liwanag ng umaga. Wag sanang ipahintulot ng Diyos na tataob ang barko sa mga oras na ito dahil maraming mapapahamak. Umilaw na ulit ang barko gamit ang kabilang makina. Nabuhayan ako ng loob. Pinapalipat ang ibang pasahero sa kalapit ko sa kabila, malapit sa unahan ng barko papunta sa harapan para mabalanse ang mga tao pero di ko na alintana ito. Pasado alas 4 unang dumating ang barkong M/V Ocean Integrity about 2 kilometers ang layo. Kahit madilim ay kitang kita ko sa kalayuan ang mga lumalangoy na mga pasahero dahil sa suot na orange na lifevest. Marami na ang tumalon sa barko at ang mga nagpalutang-lutang sa dagat gamit ang lifecraft, may mga lumalangoy papalapit sa kinaroroonan ng barko. Maraming lifecraft na ang nailaunched ng mga ship crew sa tubig at marami na ang nakasampa nito. Di rin nagtagal ay dumating pa ang isang barko, ang M/V Myriad, mas lalo akong nabuhayan ng loob.
About 5:15 AM hanggang 9:30 AM
Magliliwanag na. Salamat sa Diyos, dininig Mo ang dasal namin. Sa kalayuan ay tanaw ko ang dalawang paparating na navy boat at ilang sandali lang ay may 2 helicopters at 2 EWACS planes ang nakita ko sa langit. Umiikot sila sa amin. Maliwanag na at kitang-kita ko ang takot at pangamba nang bawat pasahero na nakapinta sa kanilang mukha. Nagkita-kita rin kaming magkakuwarto na sina Tantan, Greg at ang anak niyang si Nicole at si Jenalyn. Nagkasundo kaming gumamit ng lubid sa paglangoy. Inayos namin ang mga tali para may makapitan ang mga pasahero. Nang matapos namin ang pagtatali ng mga lubid ay likas nga siguro sa mga Pilipino ang mapaglaro kahit sa nakaambang panganib. “Manigarilyo muna tayo.” Ang yaya ko sa mga kasamahan sabay bigay ng sigarilyo sa kanila. Malakas ang ihip ng hangin kaya medyo hirap sa pagsindi ng sigarilyo. “Baka ito na ang huli nating makapanigarilyo”. Nang matapos ang paninigarilyo ay minabuti naming siguruhin ang mga pagkakatali ng mga lubid para walang madidisgrasya sa paghawak nito ng mga pasahero. Naisipan na naman naming magpapicture at ang biro pa nga ni Tantan ay para mailagay sa friendster niya. Gamit ang kanyang sariling cellphone ay kinuhanan ako ni Tantan ng picture at kinuhanan ko rin siya ng picture. Naisipan rin ni Tantan na kunan ng short video ang aming kalagayan sa barko ng mga oras na iyon habang nakatagilid na ito. Sa gilid ng mababang parte ng barko balak naming bumaba. Pinalipat na namin ang mga matatandang babae at lalake, mga babaeng may karga-kargang anak at mga babaeng naglalakbay na mag-isa sa gawing iyon ng barko. Pinahawak namin sila sa lubid para pumunta sa gitna ng barko dahil andoon ang jacob ladder at nang makababa na sila doon. Nang mailipat na ang mga pasahero malapit sa jacob ladder ay naisipan ni Tantan na tumulong sa paglaunch ng lifecraft dahil may 6 pang natitira sa gawing left side ng barko. With the direction of the ship captain, 3 ang nailaunched namin, 2 sa kaliwa ang successful na nailaunched, bumuka at naihulog sa tubig at ang 1 sa kanan na lumubo sa bakal na hagdanan ng barko, bumara at di na maalis doon. Sa kabilang ibaba ng barko ay dinig ko ang galit na babaeng crew habang nagbibigay ng instruction sa mga pasahero na madaliin ang pagkilos papunta sa kabila sa may jacob ladder para makalusong na sa tubig dahil malapit na talagang tataob ang barko. Pumunta kami malapit sa kinaroroonan ng ship captain. Pinatatalon na niya ang mga pasahero dahil mataas na ang pagtagilid ng barko, siguro about 45 degrees na ito. Habang namamaybay kami sa lubid ay sinalo pa namin ang 2 backpacks na sabi ay may lamang importeng documents ng barko at inilagay namin sa tabi para makuha ng inatasang ship crew. Sa parteng malapit sa jacob ladder ay naratnan namin ang mga kasamahan ko sa kuwarto, ang mga matatandang babae at lalake, mga inang karga ang anak at mga babae. Sumigaw ako na talon na… tumalon na kayo! Doon ko napagtanto kung bakit ayaw nilang tumalon. Mataas pa pala bago ka sumayad sa tubig na sa tantiya ko ay may taas ito na 3 palapag ng gusali mula sa kinatungtungan ko. Hiyawan at iyakan pa rin ang mga pasahero lalo na ang mga bata. Hayaan nyong umiyak ang mga bata. Sige talon na… talon na… tagilid na masyado ang barko… talon na… talon na… pero walang nagkusang tumalon sa pagsusumamo ko. Pinuntahan ko si Greg at kinausap ako sa plano para sa anak niya. Tapos na niyang maitali ang malong na paglalagyan ng anak. Sabi niya mauuna siyang bababa sa jacob ladder at ilalagay ko ang anak niya sa loob ng malong at dahan-dahan ko itong ibababa sa tubig. Aali-aligid lang ang navy boat at isang rubber boat. Lumangoy na si Greg pero kinuha siya ng navy boat para isampa. Humanap ako ng timing na kung malapit na ang navy boat at ang rubber boat ay mabilisan kong ibababa si Nicole sa tubig at di nagtagal ay papalapit na nga ang rubber boat. Mabilisan kong ibinaba ang lubid at sinabi ko kay Nicole na wag matakot. Sinigawan ko ang nasa rubber boat na “Bata, kunin nyo ang bata sa loob ng malong!” Successful na nakuha nila ang batang si Nicole. Tatagilid na talaga ang barko dahil may narinig akong kalabugan sa may unahan ng barko. Ang malakas na ingay na yon ay nagkalaglagan na pala ang mga container na nasa harapan ng barko. “Ambak na mo! Ambak na mo!” “Mao na ni! Mao na ni!” “Nay, ambak na!” At tumalon na ako sa dagat. Nang lumutang ako, nakita ko ang mga container na patuloy na nagsilaglagan na sa tubig isa isa. Timing na nadoon ang navy boat at ang rubber boat. Lumangoy ako papalapit sa navy boat na ilang dipa lang ang layo sa akin. Inabot ko ang mga kamay ko sa mga navy men at sumampa na sa navy boat. Hingal na hingal… di ko napansin na nasugatan pala ako sa may kaliwang tuhod. Siguro sa pagsampa ko sa navy boat, nalaman ko na lamang ng humapdi na ito. Nang makasampa na sa navy boat ay tumulong ako sa pagsampa ng 3 pang mga pasahero mula sa tubig. Sinigawan ko iyong iba na nasa tubig pa na magpaanod-anod lang, aayon sa galaw ng tubig para di malunod. Tinanong ko ang isang matandang lalake kung anong oras na. 9:30 AM ang sabi niya. Kitang-kita ko ang pagtaob ng barko ng tuluyan (bottoms up completely). Maraming tao pa rin sa tubig – may bata, mga babae, matatanda… lahat sila ay naisalba. Salamat sa Diyos na walang namatay sa lahat ng tumalon nang maliwanag na. Doon ko nalaman ang namatay na lalake at ang karga nitong bata. Sa pagkakaalam ko ay bumagok ang ulo ng lalake sa barko dahil siguro sa pagkataranta at ang bata na nabitiwan niya ay posibleng nalunod. Dumating papalapit sa amin ang isa pang navy boat. Nakuha at nailigtas na ang lahat na mga pasaherong nakalutang kanikanina lamang sa bahaging iyon ng dagat. Si Greg ay nasa kabilang navy boat. Nagdikit ang 2 navy boat at sumampa si Greg sa aming sinasakyang navy boat para kunin ang anak niyang si Nicole na di ko alam ay nasa loob pala ng sinasakyan kong navy boat. Matapos alamin ng mga navy men na wala nang natirang taong lumulutang ay nilisan na namin ang lugar para i-transfer kami sa isang rescue ship ang M/V Myriad na nasa di kalayuan lamang. Nang malapit na kami sa M/V Myriad ay nakita kong maraming survivors ang naroon sa itaas. Tuwa at lungkot ang aming naramdaman dahil may ibang survivors na wala ang mahal nila sa buhay. Isang ina ang iyak ng iyak at nag-alala sa anak niya na inalo ko na lamang na baka nasa M/V Myriad na. Nagkatotoo ang aking pag-alo sa kanya dahil nakita niya ang kanyang anak bago pa man kami nakasampa sa rescue ship.
Past 10 am ~ 2:30 PM
Marami kaming sumampa sa M/V Myriad mula sa 2 Navy patrol boat. Si Greg ay akay akay ang kanyang 4 na taong gulang na anak na si Nicole at abot abot ang pasasalamat sa akin. Nagkita-kita kami ng mga ibang pasahero na nakilala ko sa barko. Kamayan at tapikan ng likod tanda ng pagpapasalamat na nakaligtas kami sa naturang trahedya. Ang iba ay tahimik lang at parang hindi makapaniwala na naligtas sila. Sa paglipat namin sa M/V Myriad ay abot abot pa rin ang buntunghininga ng ilang nakaligtas at ang iba ay ikuniwento sa kapwa survivors ang mga nangyari sa kanilang pagtalon sa barko at kung paano sinagupa ang alon at ang paglutanglutang sa tubig upang maisalba lamang ang sarili at mahal sa buhay. Marami ang umiiyak nawala kasi sa kanilang paglangoy ang mahal sa buhay at napawalay ng magkanyakanya nang lumangoy para mailigtas ang sarili. Pinapunta kami sa may likuran ng barko, mas lalo akong natuwa nang makita ko doon ang matandang babaeng kasama ang kanyang apo. Ang matandang ito ang sinabihan ko bago ako tumalon sa tubig na “Nay, ambak na… ambak na… lulubog na ang barko.” Tinapik ko siya sa balikat at nagpasalamat sa Diyos na nakita ko siyang nakaligtas kasama ang kanyang apo. Marami pa akong mga nakilala na nakaligtas. Salamat sa Diyos na nakaligtas kaming lahat – Si Tantan, Greg, Nicole, Jenalyn at ako. Uminom kami ng malamig na tubig na bigay nga mga tagabarko at least naibsan ang nararamdaman sa sinapit ilang oras lang ang nakaraan at para pawiin na rin ang uhaw na naramdaman. Pahinga at kuwentuhan, may nag-alok ng sigarilyo at nanigarilyo kami habang nakaupo sa sahig ng barko. Kasama ko si Tantan sa paglibot ng barko, nadaanan ko ang batang nalunod si Patrick James, tinabunan ng makapal na kumot na kulay brown. May nakabantay na dalawang sundalong Navy na kasama namin sa barko. Pumunta kami sa ikatlong palapag ng barko para may lugar kaming mapagpahingaan at nakakita kami ng lugar na di gaanong maraming tao. Naupo kami sa sahig ni Tantan at nagkuwentuhan sa mga nagdaang nangyari sa amin. Di ako lubos na makapaniwala sa mga pangyayari ilang oras lamang ang nakaraan. Doon na namin hinintay at pinalipas ang mga oras hanggang sa pagdaung ng barkong M/V Myriad sa Zamboanga Port.

Ito ang original na video na kuha ni Nathaniel Velasco habang patagilid na ang barko. Kitang kita ang mga mukha namin sa videong ito at dinig na dinig mo ang iyakan ng mga bata. Ang videong ito ay binigay namin sa GMA Davao with blurred faces. To protect our identity, you may download the video intended for personal use only. Salamat po.
I can still remember ang mga nangyari, parang kailan lang, 14 years na ang nakalipas.
ReplyDelete