06 September 2009 (Sunday)
About 2:30 PM ~ past 5:00 PM
Pasado alas 2 ng hapon ay dumaong ang M/V Myriad sa Zamboanga Port. Marami-rami pala kaming mga survivors ang nakaligtas na sakay ng barkong ito. Isa-isa kaming nagsibabaan sa barko at sinalubong ng mga sundalo’t pulis, mga government officials ng Zamboanga, mga taga-media at marami pang iba. Pinasakay kami sa bus at diretsong dinala sa isang ‘holding area’ ng Philippine Ports Authority (PPA). Habang nasa bus ay isang taga-media ang uminterview sa akin tungkol sa nangyari pero dahil nasa state of shock pa ako ay wala akong masabi kundi ang magpasalamat sa Diyos sa bagong buhay na bigay niya uli sa akin at sa lahat ng nakaligtas. Pagdating namin sa holding area ng PPA ay sinalubong kaagad kami ng mga sundalo’t pulis at mga medics. Inalalayan hanggang makapasok sa loob, tinatanong kung sino ang nasugatan, nagkasakit at kung ano ang nararamdaman. Inasikaso kami sa pagbigay ng makakain, maiinom, at mga personal na pangangailangan tulad ng tsinelas at damit at libreng tawag at marami pang serbisyo. Lahat halos ng mga naroong government at non-government agencies ng Zamboanga ay nagkaisa na tulungan kami sa trahedyang ito. Dama ko ang kanilang pagmamalasakit sa amin at ang kahandaan nilang tumulong sa aming mga survivors. Nakausap ko ang isang city councilor ng Zamboanga at personal ko siyang sinabihan tungkol sa pangangailangan namin ng tsinelas. Masakit na kasi sa paa ang mahabang nakaapak sa lupa. Wala pang kalahating oras ay dumating ang tsinelas na kailangan namin. Salamat po sa inyo, Sir. Nakita ko rin doon ang city mayor mismo ng Zamboanga at binati saglit, si Mayor Celso Lobregat, abalang-abala siya sa mga oras na iyon. Nang makampanti na ang mga survivors ay sinabihan kami kung sino ang uuwi sa kani-kanilang lugar o magpatuloy ng biyahe papuntang Ilo-Ilo o Manila dahil may barkong darating sa gabing iyon sa Zamboanga. Pinili ko na umuwi na lang muna pabalik ng Davao. Kaya sampo ng iba pang mga survivors na taga-Davao ay nagkumpol kami sa isang lugar sa PPA building at hinintay ang susunod na instruction. Maraming mga tao ang nagtatanong sa aming pangalan at edad. Nililista nila ito sa isang papel na sa pagkakaalam ko ay tatlong beses akong napagtanungan ng pangalan. Ang alam ko mga tauhan sila ng gobyerno tulad ng DSWD, City Government, Red Cross, taga-SuperFerry, atbp. Dito ko nakilala ang isang Superferry representative si Ms. Edith Lauron na siyang tumulong sa amin para sa aming balak na pagbalik sa Davao. Siya rin iyong naging contact person ng aming grupo sa aming ibang personal na pangangailan.
Past 5:00 PM
Magbuhat sa PPA holding area ay pinasakay kami ng bus patungo sa hotel na pansamantalang titirhan namin habang naghihintay sa pag-uwi. Dinala kami sa Marcian Business Hotel na malapit sa Fire Station along Climaco Street. Mga 32 katao ang unang batch na dumating at bilang pagtulong na rin sa kapwa ko survivors ay nagvolunter akong maging contact person. Pinangasiwaan ko ang aming pagcheck-in sa hotel. Iisang kuwarto ang magkapamilya, may mga anak, may kasamang matanda, mga dalagang babae at ang mga lalake. Nang matapos na ang pagcheck-in ay inasikaso ko muna ang aking sarili, naligo at nagpahinga. Pagod man ay ginampanan ko ang maraming concerns ng mga kasamang survivors mula personal na pangangailangan hanggang sa pagkain namin sa hotel na iyon. Sa bilang namin ay di ko malaman kung ano ang uunahin pero sa tulong na rin ng mga hotel staff ay natugunan ang mga pangangailangan ng ibang survivors. Nakatanggap rin kami ng tulong mula sa SuperFerry sa pagbibigay nila ng mga jogging pants, t-shirts, bra at panty, toothbrush, toothpaste, atbp. Kailangan namin ng konting pera para pambili ng personal na bagay, brief at shorts sa mga lalake, gatas ng isang lola para sa kanyang apo, bra at panty, Kleenex sa mga babae, pero hanggang makaalis kami sa hotel na iyon ay walang financial assistance na binigay. Nagbigay lamang ang SuperFerry ng 200 pesos nang paalis na kami papuntang airport noong 09 September 2009, huli na.
About 6:30 PM
Hindi pa ako nakatawag sa amin mula nang dumating sa Zamboanga kahit pa may libreng tawag doon. Di ko kasi memorize ang number ng kapatid ko at sa totoo lang, kahit number ko mismo hindi ko memorize. Buti na lang nasave ko iyong number niya sa email address ko. Ang nasa isip ko ay maghanap ng internet café na malapit sa hotel para malaman nilang nakaligtas ako. May nakita naman akong internet cafe. Nagpaalam ako sa namamahala na gumamit ng internet at dalidali kong binuksan ang email ko. Hinahanap ko ang cellphone number ng kapatid ko at nakuha kaagad. Humingi ako ng ballpen at papel sa may-ari ng internet café at sinulat ko ang number ng kapatid ko. Wala pang 2 minuto ay sinara ko na kaagad ang email ko. Napansin ako ng lalaking katabi ko sa upuan at binalita ko sa kanya na isa akong survivor sa lumubog na SuperFerry 9. Tumigil ang ibang tao na naroon at nakinig sa akin. Ikinuwento ko ang mga pangyayari sa kanila at naawa sila sa akin. May isang babae na umiyak at nag-praise the Lord pa ito sa akin, isa siguro siyang ‘born-again’ Christian. Hindi na ako pinabayad ng may ari ng internet café. Pagkatapos maghapunan sa hotel ay hiniram ko ang cellphone ni Tantan, tinawagan ko ang kapatid ko na sobra ang pagkabigla nang marinig ang boses ko sa cellphone. Alalang-alala na pala ang kapatid ko at gayon din ang iba ko pang mga kapatid. Buong araw daw silang nakamonitor sa tv at radio at inaalam ang pangalan ng mga nakaligtas at iyong sinawing palad. Nakiusap ang kapatid ko na tumawag sa aking ina. Tumawag naman ako sa amin at isa ko pang kapatid ang nakausap ko. Madalian lang dahil hiram lang ang cellphone na ginamit ko. At least, alam na ng mga kapatid ko na buhay ako! Maraming tao ang pumunta sa amin mapagobyerno at hindi, ang City Government through the City Mayor’s Secretary, DSWD, City Health, media, atbp. sa bandang gabi. Sinabi namin sa kanila ang mga concerns, mga pangangailangan at problema. Nangako naman silang tumulong pero sadyang hindi lahat ng aming concerns ay natutugunan nila agad-agad. Dahil sa sobrang pagod at sa trahedyang sinapit namin sa araw na ito ay nakatulog ako ng mahimbing. Ang araw na ito sa aking buhay, 06 September 2009, ang matatawag ko na ‘the longest day in my life.’
07 September 2009 (Monday)

Kinabukasan ay maaga akong gumising at nag-almusal pagkatapos ay bumili ako ng cellphone para may magamit ako. Ang pitaka ko nga pala ay nilagay ko sa ilalim ng brief ko bago ako tumalon sa barko kahapon sa pagbabasakaling kung ano man ang mangyari ay nandoon ang pangalan ko at maidentify nila ako. Intact pa rin ang pera kong dala, pati ang ticket ng barko at iba pang mapagkilanlan sa akin. Sa tindahan ng cellphone ay di ko maiwasan na sabihin sa kanila na survivor ako dahil ang perang pambayad ko ay basa pa. Naawa na rin sila sa akin at binigyan ako ng magandang presyo sa cellphone at sim card. Nagbigay rin ang may ari ng tindahan ng ilang Nokia paperbags para magamit ko. Binigay ko sa ibang kasamahan ang ilang paperbags para magamit rin nila. Maraming mga pangyayari sa aking mga kasamahang survivors habang nanatili kami sa hotel. Isang survivor ang bigla na lang nangingisay dahil sa shock pa rin siya hinggil sa mga nangyari. Tinulungan namin siyang madala sa hospital sa tulong ng isang ambulansya ng katabing Fire Station. Nakabalik rin naman siya sa hotel sa araw ring iyon. Marami sa mga kasamahan kong survivors sa hotel ang nagpaunlak ng media interview, tulad ng GMA, ABS-CBN at isang Chinese TV network. Ilan sa highlighted interview na nakita ko ang kay lola na nagpapasalamat na ligtas siya, na biniro ko pa na ayusin ang tassle ng shorts niya dahil kukunan ng camera. Ang isang ina na may dalawang anak na nawalay at kukunin niya ang mga ito sa Ilo-Ilo at ang pinakadrama ay ang isang ina na nahiwalay ang kanyang 11-month old baby na kukunin pa nya sa Manila. Karamihan ay nagpapainterview tungkol sa kani-kanilang personal na karanasan hinggil sa trahedya. Hinihikayat ako ng aking mga kasamahang survivors na paunlakan ang mga media interviews but I refuse for obvious and personal reason. Hindi ko sana isusulat ito and I won’t take the credit, it’s God. Dahil may pera pa naman ako, isang kasamahang lola ang humingi ng pambili ng gatas para sa kanyang apo, na walang atubiling binigyan ko. Alam kong kagabi pa siya namrurublema sa gatas dahil nabanggit na niya ito sa akin. Ito ang hindi nagampanan ng mga tumulong sa amin lalo na ang SuperFerry, maliit na halaga na sanay binigay nila pag dating namin sa hotel. At isa pang pangyayaring ganito sa mga babaeng may period na humingi na lang sa mga babaeng hotel staff ng napkin para matugunan lamang ang personal na pangangailangan. Hindi nila ito nagampanan despite na sinabi ko sa kanila ang pangangailangang ito. On the other hand, nagbigay naman ang SuperFerry ng mga jogging pants, tshirts, bra, panty, toothbrush sa araw na ito na pinamahalaan kong ipamudmod sa mga kasamahang survivors na nasa hotel. Sa tanong namin kung kaylan kami makauwi sa Davao ay sinabi ng SuperFerry representative na inaayos pa raw nila ang lahat ng mga kailangang gawin para sa aming pag-uwi na inaasahan naman ng lahat na sa lalong madaling panahon. Mabagal ang oras pag may hinihintay. Inip na ang lahat at gusto nang makauwi kaagad.
08 September 2009 (Tuesday)
Special ang araw na ito dahil birthday ni Mama Mary. Hinikayat ko ang ibang mga kasamahan na magsimba at magpasalamat sa Diyos. Malapit lang sa hotel ang catholic catedral kaya pumunta kami sa simbahan upang manalangin at magpasalamat. Inip ang lahat sa paghintay kaylan kami makakauwi ng Davao. Sabik makarinig ng mga new developments hinggil sa aming pag-alis sa Zamboanga. It was confirmed na by airplane ang pag-uwi naming lahat at hindi by bus tulad ng napagkasunduan namin noong linggo noong andoon pa kami sa PPA holding area. Kinahapunan ay dumating ang SuperFerry representative at sinabi sa aming nakabooked na kami sa eroplano. Binaha na naman siya ng reklamo at mga pangangailangan namin at nangako naman siya sa amin na papadalhan uli kami ng mga damit, at iba pang pangangailangan. Bago gumabi ay dumating ito at binigay sa amin. At least nakabooked na kami sa eroplano, hinihintay na lang namin ang confirmation ng flight na pinangako sa akin ng SuperFerry representative. Thanks God, may concrete steps na akong natatanaw sa development na ito. May listahan ako sa lahat ng mga kasamahang survivors na nasa hotel kaya madali ko silang macontact by telephone room-by-room. Bandang 8:00 PM tumawag ang SuperFerry representative, ibinalitang confirm na ang booking namin. Ang detalye ng pag-alis ay ibibigay nya maya-maya lang dahil hindi sabay-sabay ang pag-alis naming lahat mula Zamboanga. Ang iba dadaan muna sa Cebu to Davao at may Manila to Davao. About 11:30 PM tumawag muli ang SuperFerry representative at binigay na sa akin ang final flight confirmation namin. Pagkatapos magpasalamat sa kanya ay tinawagan ko room-by-room ang mga kasamahan kong survivors tungkol sa natanggap kong information at upang maghanda na rin sa pag-alis kinabukasan. Marami ang nagreklamo bakit hindi puwede ang special direct flight to Davao. Pinrangka kong sinagot sila na hindi lang tayo ang pasahero doon dahil regular flight lang yon ng Cebu Pacific at ang SuperFerry ay hindi may-ari ng eroplano, meaning, it is beyond their control. May nakakaintindi sa sinabi ko pero sadyang may mga tao ring hindi agad nakakaintindi sa bagay na ito. "Everyone prepare for our flight tomorrow."
09 September 2009 (Wednesday)
Hindi na ako nakatulog sa huling gabing ito sa hotel. Nakahiga lamang ako sa kama pero gising ang isipan. Maraming bagay ang nasa isip ko pero salamat Diyos ko, binigyan mo ako ng panibagong buhay.
3:00 AM

Bumaba na ako sa lobby ng hotel. Tulog ang ibang hotel staff pero nagising nang makita akong papalapit doon. Mayamaya ay nagsidatingan na rin ang ibang mga kasamahan ko. Hinihintay namin ang bus na susundo sa amin sa hotel. Pinakape kami at pinasnack ng hotel staff kasama pa rin daw ito sa services nila sa amin.
4:30 AM
4:30 AM
Dumating ang bus kasama ang SuperFerry representative at lahat ay aalis patungong airport. Kinuha ko ang listahan na dala niya at isa-isang niroll-call ang mga kasamahan ko. Andoon lahat kami sa bus at wala nang naiwan sa hotel.
5:00 AM
5:00 AM
Ready to go to the airport na kaming lahat. Sakay sa bus, we bid goodbye to the hotel staff at nagpasalamat sa kanila.
5:30 AM
5:30 AM
Kasama ako sa tatlong mapalad na makasakay sa Cebu Pacific direct flight from Zamboanga to Davao. Binigyan ako ng 200 pesos pocket money at boarding pass ng eroplano. Pumasok na kaming tatlo sa loob naiwan ang ibang mga kasamahang survivors, may pupuntang Cebu at Manila muna bago flight back to Davao. Nasira ang paperbag ko kaya naghanap ako ng panali sa loob. May snack center doon na nagbigay sa akin nang pantali. Sinabi kong survivor ako Maam at naawa sa amin, binigyan kami ng libreng kape at sandwich na kinain namin habang naghihintay sa passengers’ lobby.
6:30 AM
6:30 AM
Flight ko na for Davao, sabay-sabay na kaming tatlo sa pag-akyat ng eroplano. Almost an hour ang flight kaya nakatulog ako sa eroplano, nang magising ako ay nasa Davao na kami.
7:45 AM
7:45 AM
Lumabas na kami sa Davao Airport. Sumalubong sa amin ang SuperFerry representative ng Davao at sumakay kami sa sasakyan nila patungong office sa Sasa. Pagpasok namin doon sa SuperFerry office ay biniro ko ang lahat ng staff at guwardiya na hindi kaluluwa ang nakikita nyo. Totoong buhay na tao ito, may dugo, balat at buto. Tawanan silang lahat sa akin. Kuwentuhan sa mga nangyari sa amin ang sumunod at pinakita ko pa ang picture na kuha bago lumubog ang barko. Ang listahan sa mga kasamahan kong survivors ay binigay ko sa isang office staff upang malaman nila kung ilan at sino ang galing via Cebu and Manila at upang malaman kung kaylan ang dating ng mga ito sa Davao airport. Pinag-almusal kami at pinagpahinga sandali at pagkatapos ay pinapasok sa isang room para pirmahan ang isang papel na nagsasaad na makakatanggap ang bawat isa ng halagang 11,000 pesos bilang kabayaran sa personal na bagahe sa halagang 6,000 pesos at financial assistance sa halagang 5,000 pesos. Natanggap ko ang kabuuhang halagang 11,000 pesos cash pagkatapos pumirma.
8:30 AM
8:30 AM
Lumabas na kami sa SuperFerry office para umuwi. Tinawagan ko ang kapatid ko na nasa Tagum na, “I’m here na sa Davao. At makakarating ako diyan bago maglunch.” Ang kasama kong lalaki ay nakisuyo na may iinterview pa sa amin na taga-GMA at hinintay pa namin. Ang kasama kong babae ay nagpaiwan sa office hinintay na dumating ang susundong anak. Paglabas namin ay nandoon na ang taga-GMA at ininterview na ang kasama kong lalaki. Hindi ako nagpainterview sa dahilang binanggit ko na noon. Bago umalis ang taga-GMA ay listo itong nagtanong sa akin kong may video ba akong nakuha sa trahedyang iyon na wala ko namang kiming binigay sa kanya, provided na i-blurred nya ang mga mukha namin sa videong iyon. Ang reporter na iyon ay nakilala kong si Derf Maiz ng GMA Davao. Bago tuluyang umalis ang taga-GMA ay nakisuyo akong sumakay sa sasakyan nila at magpahatid sa Panacan Crossing para sa makasakay ng bus patungong Tagum. Iniwan ko na ang kasama kong lalaki sa Sasa pagkatapos makapagpaalam. Taga-Bangkal, Davao City siya at iba ang daan papunta sa kanila.
9:30 AM
9:30 AM
Nakasakay ako sa Panacan Crossing ng Davao Metro Shuttle na bus papuntang Tagum. Tulala ako sa bus at pagod na pagod.
11:30 AM
11:30 AM
Narating ko ang bahay ng aking kapatid. Kuwentuhan at pasasalamat. Pagkatanghalian ay nagpahinga ako. Maaga akong natulog sa gabing ito.
No comments:
Post a Comment