Pages

Monday, September 28, 2009

Listahan ng mga pasaherong uuwing Davao


A Zamboanga streetscape taken inside Chow King Restaurant. Sorry, I don't know this street pero sa dulo nito ang Marcian Business Hotel na kinacheck-inan namin.



This is another streetscape of Zamboanga City taken from the 3rd floor of Marcian Business Hotel. It is such a clean city and the locals are so friendly and fabulous.



Ang larawang ito ay ang mga kasamahan kong survivors na naiinip na sa kahihintay ng any new developments hinggil sa aming pag-uwi sa Davao. Kuha ito noong 08 September 2009, two days after the tragedy. Wittyly, t'was the best performance of our lives... to save oneself and others in our small ways.



Listahan ng mga kasamahang survivors sa Marcian Business Hotel na uuwing Davao. Nasa hotel kami mula noong 06 September 2009 hanggang madaling araw ng 09 September 2009. Ang Marcian Business Hotel ay matatagpuan sa Climaco Avenue downtown Zamboanga malapit sa Fire Station.

Room 304
1. Deza Bolivar – buntis, naging kaibigan ko at minungkahi ko sa kanya na pangalanan ang anak nya ng Myriad John in memory of the rescue ship and of the tragedy.
2. Rodolfo Bolivar – Deza’s dad.
3. Tessie Luig – her sister.

Room 308
4. Mercy Becena – siya iyong na-shock sa kuwarto, 07 September 2009. Dinala ng ambulansya ng kalapit na Fire Station sa hospital. OK naman siya and out same day.
5. Lutchine Suan
6. Baby Geonzon – sumama sa mga passengers bound for GenSan, 08 September 2009.

Room 310
7. Nathaniel Velasco – isang seaman na taga-Pigcauayan, North Cotabato. Malaki ang ginampanan nya sa trahedya at siya iyong kumuha ng picture ko at noong video na binigay ko sa GMA Davao.
8. Ariel Sandoval – ako ito. Me na me. Naging lider at contact person sa grupo naming mga survivors sa hotel na ito.

Room 311
9. Gerry Cataquis
10. Karl Jumilla

Room 305
11. Jerly Mae Inigo
12. Lorelli Salvana
13. Mizl Nanton
14. Illene Damian

Room 309
15. Evelyn Ferrariz
16. Victoria Eliseo – old woman/nanay namin sa hotel.
17. Letecia Ortillano
18. Judelytte Ortillano – baby child ni Letecia Ortillano.

Room 402
19. Benita Engay – kasamahan ko sa eroplano papuntang Davao noong 09 September 2009. Tinulungan kong magseatbelt sa eroplano at first time nyang makasakay at sa SuperFerry office sa Davao.
20. Helen Henojales
21. Ediliza Alcontin
22. Jena Villegas – kasamahan ko sa katabing teheras/room ng barko, medical secretary sa isang clinic sa Manila.
23. Aireen Pomado

Room 411
24. Rubiya Pusdan
25. Ellen Diano
26. Jessica Sandipa
27. Rubyliza Gabor – naunang umalis sa hotel as confirmed by SuperFerry representative.

Room 416
28. Janette Polbos
29. Molina Perez – isang lola na humingi sa akin ng gatas para sa kanyang apo.
30. Kian Lynn Cadagat – 3 years old; apo ni Nanay Molina Perez.
31. Stella Demata – good girl, she works her own way.

Room 414
32. Albert Morcellos – kasamahan ko sa eroplano papuntang Davao. He was interviewed by Mr. Derf Maiz of GMA Davao 09 September 2009.
33. Ryan Christopher Paz – met her mother at SuperFerry office 09 September 2009; assuring her that her son is very much alive.
34. Jonas Redillas
35. Felomino Olivo – not so much of senior age and according to him, pinagtutulak nya ang ibang mga matatanda para makatalon lang sa tubig dahil papalubog na ang barko.

Room 405
36. Merlinda Tirado – isang ina na nahiwalay ang 2 anak sa kanya at kukunin pa nya sa Ilo-Ilo. Nakausap na nya ang mga anak habang nasa hotel pa kami at nasa pangangalaga na ng DSWD Ilo-Ilo ang mga ito.
37. Marina Tirado – babaeng anak ni Merlinda Tirado na kasama niya.
38. Reyman Tirado – isa pang lalaking anak ni Merlinda Tirado na kasama niya.
39. Marlin Gazo – inang nag-alala sa kanyang 11 month old baby na sa Manila dinala ng navy rescue. Successful na nagkita sila ng baby niya 09 September 2009 as seen on tv. Thanks God.
40. Anthonet Mae Gazo – anak ni Merlyn Gazo na kasama niya sa hotel.

According to the hotel staff, 42 kaming lahat na nakacheck-in sa Marcian Business Hotel. Two survivors, a father & his son, left the hotel a day after, 07 September 2009 to Ilo-Ilo. Hindi ko na nakuha ang mga pangalan nila pero I personally met them when they asked for permission to go ahead with their plan.

No comments:

Post a Comment