About 7:00 AM ~ 8:00 AM
Dumating kami sa Gensan port. Foggy morning pagtanaw ko sa bintana ng barko. Bumangon ako at lumabas. Naninigarilyo habang papalapit kami sa daungan ng General Santos. Nang makadaung na ang barko ay nag-aalmusal na ako. Pagkatapos ay lumabas na ako sa dining area at patingintingin sa view ng GenSan sa right side ng barko.
Nagkita kami ni Tantan (Nathaniel Velasco) at naitanong ko sa kanya na tagilid konti ang barko. Dahil seaman siya ang sabi niya’y mas OK kung ang harapan ng barko ang nakataob dahil pag umandar ang barko ay tataas ito. Di na ako nag-usisa pa kung bakit. Napansin ko rin ito sa Davao pa kami habang ako ay kumakain kagabi sa dining hall pero di ko lang binigyan ng pagpapahalaga. Patuloy akong tumingin sa mga pasaherong nagsidatingan na, pasan ang kanilang mga bagahe at iba pa.
About 10:00 AM
Umalis ang barko sa GenSan port. Dahil marami ang pasahero ay lalong nadagdagan ang mga kakilalang pasahero likas kasi akong palakaibigan at palangiti.
12:00 Noon ~ 4:00 PM
It’s lunch time at mahaba ang pila sa dining area. Dala ang baong adobong manok at baboy na luto ng kapatid ko at chicken salad ay nakakain rin ako ng tanghalian. Bumalik ako ng teheras pagkatapos kong kumain at bumaba rin agad para i-charge ang cellphone ko. Marami ang nagcharge ng kanilang cellphone nang marating ko ang charging area na nasa labas lang ito malapit sa dining hall. Habang inaantay ko na mafull charge ang cellphone ko dahil mahigpit na hinabilin sa amin na huwag iwanan ang mga cellphones dahil talamak daw ang nakawan nito sa loob ng barko. Ito kasi ang babala ng isang security chief (kilala ko lamang ang kanyang mukha pero di ang kanyang pangalan) habang nandoon pa kami sa holding area sa Davao bago umakyat ng barko. Dito ko nakilala ang lalaking nasa likod ng larawan ko. Taga-Pangasinan siya at may kausap na babae na bata pa, siguro about 26 years old yong bebot. Dito ko rin naitanong sa kanilang dalawa na “tingnan nyo ang mga lamesa sa dining area, patagilid sila. Tagilid ang barko no? sumang-ayon naman sila sa napansin ko. Balewala lang ang observation ko na iyon, habang patuloy ang kuwentuhan namin. Matagal-tagal rin ang usapan naming tatlo nang hugutin ko na ang charger at cellphone. Umakyat na ako sa aking teheras para makapagpahinga sandali. Di ko nakita ang lalaking ito na kausap ko sa PPA Building sa Zamboanga City. Masipag siyang magtali ng mga lubid ng maganap na ang pagtagilid ng barko para may makapitan ang mga pasahero. Sana buhay siya! Pero sa aking pagtatanong ay nakita nilang buhay ang lalaking ito. Siya iyong nasa likod ng picture ko. Ang pagkakaalam ko sa kanya ay taga-Pangasinan siya at Ilokano. Ang babaeng kausap ko na kasama ng lalaking ito ay confirm ko na buhay dahil nagkita kami sa M/V Myriad, isang commercial cargo vessel na naging rescue ship namin nang maganap ang trahedya at sa PPA Building sa Zamboanga City.
About 5:00 PM ~ 6:00 PM
Bumalik ako sa charging area para i-charge ang mobile speaker ko. Pinatugtog ko pa nga ito habang nakacharge gamit ang SD Memory Card na may lamang MP3 music. Nandoon pa rin ang dalawa kong kausap patuloy sa kanilang kuwentuhan. Kaya nakipagkuwentuhan na rin ako sa kanila bago maghapunan.
6:00 PM ~ 9:00 PM
As usual, pila sa hapunan sa dining area. Nakapaghapunan din at balik sa teheras para makapagpahinga at makipagkuwentuhan sa mga kasama ko sa room. Dito nabanggit ko na kung emergency isaulo ang exit na dadaanan kahit sa pagtulog. Sinabi ko rin ang kinalalagyan ng mga life jackets na nasa loob ng cabinet.
Near midnight ~ 12:30 AM
Hindi ako dinalaw ng antok kaya nagpapahangin muna ako sa labas at naninigarilyo habang nakikinig sa FM radio ng Zamboanga City sa aking mini MP3 player. Sa mga oras na ito ay binabaybay na namin ang karagatan ng Zamboanga at kitang kita ko ang mga ilaw ng nasabing siyudad. Mga 12:30 AM ay nagpasiya akong matulog na dahil natutulog na ang lahat ng mga kasama ko sa kuwarto. By the way, 9 na kaming lahat sa kuwarto dahil 5 nadagdag galing GenSan.

No comments:
Post a Comment